SHOCKING UPSET: Alex Eala (World No. 19) Pinabagsak ng World No. 217 na si Han Shi sa Wuhan Open

 SHOCKING UPSET: Alex Eala, Tinalo ng World No. 217 sa Wuhan Open


Malaking upset ang naganap sa Wuhan Open 2026 matapos patumbahin ng World No. 217 na si Han Shi ng China si Pinay tennis ace at World No. 19 Alex Eala sa iskor na 4-6, 6-3, 6-3 sa Round of 64 nitong Lunes.

Sa papel, lamang na lamang si Eala na kasalukuyang nasa No. 19 sa mundo na may 2,241 points matapos bumaba ng isang spot mula sa career-high na No. 18 noong Agosto. Katapat niya si Han Shi na nasa No. 217 lamang sa WTA rankings at may career-high na No. 200 noong 2025.

Magandang Simula, Masamang Pagtatapos:

Nakuha ni Eala ang unang set sa iskor na 6-4 sa pamamagitan ng agresibong laro sa net at matibay na depensa. Akala ng marami ay tuloy-tuloy na ang panalo ng Pinay.

Pero pagdating ng second set, biglang nag-iba ang takbo ng laban. Ayon sa ulat, matapos lumamang si Eala ng 3-2 sa second set, bumagsak ang laro nito at natalo sa 10 sa huling 13 games kontra sa Chinese qualifier.

Tinapos ni Han Shi ang second at third set sa parehong iskor na 6-3, sa loob ng 2 oras at 39 minutong bakbakan sa Dongfeng Voyah Center Court.

Home Court Advantage:

Di maitatanggi ang home court advantage ni Han Shi na nagmula pa sa qualifying round matapos talunin si World No. 37 Peyton Stearns. Sinamantala nito ang unforced errors ni Eala at ang suporta ng Chinese crowd.

Analysis:

Sa tingin ko kinapos si Alex Eala dahil sa pagod sa Asian Games tuloy tuloy kasi ang kanyang mga nagdaang laban, makikita din sa kalaban nyang china na hindi napapagod. 

Mukang kailangan ni Alex eala ng pahinga subalit mukang di nya yan magagawa dahil may sasalihan parin syang tournamnet matapos syang matalo sa Wuhan Open.

Ano Next kay Alex Eala?

Sa kabila ng masakit na upset, nananatili pa rin si Eala bilang pinakamataas na rank na Pinay at Southeast Asian sa kasaysayan ng WTA na umabot sa No. 18.

Inaasahang  babawi si Eala sa susunod na WTA tournament at muling aakyat sa rankings.

Patuloy pa rin ang suporta ng buong Pilipinas kay Alex Eala!


Pinagkunan Ranking: WTA Official Rankings October 12, 2026

I-SHARE ANG BALITANG ITO: Facebook X WhatsApp Copy Link
UPCOMING FIGHTS
OCT 31 - RIYADH
Canelo Alvarez vs Christian Mbilli
WBC Super Middleweight
OCT 24 - TEXAS
Navarrete vs Foster - Unification
IBF/WBC/WBO Title
DEC 11 - CARDIFF
Fury vs Joshua + Pacquiao Undercard
Heavyweight Mega Fight