BREAKING: Sebastian Hernandez Tinalo si Kyonosuke Kameda via Split Decision sa Osaka Japan - Bugbog Inabot ni Kameda!
By: Jawe — Edited by: Joana Marie
Wagi si Sebastian Hernandez kontra Kyonosuke Kameda via split decision sa katatapos lang na laban sa Osaka, Japan.
Hindi umubra ang estilo ni Kameda na panay takbo at iwas sa laban. Kahit anong takbo at galaw ang gawin ni Kameda, nasusundan pa rin siya ni Hernandez at nadidikitan sa bawat sulok ng ring.
Bugbog ang inabot ni Kameda sa kamay ni Hernandez dahil sa walang tigil na pagbato ng suntok ng Mexican fighter. Sa dami ng suntok na binibitawan ni Hernandez kada round, napilitan si Kameda na makipagsabayan sa ilang palitan.
Sa mga round na napilitan makipagsabayan si Kameda, doon lalong naging halata ang kalamangan ni Hernandez. Mas malinis, mas malakas, at mas marami ang koneksyon ni Hernandez kaya bugbog ang inabot ni Kameda hanggang sa huling bell.
Sa huli, nagdesisyon ang mga hurado ng split decision pabor kay Sebastian Hernandez. Kahit split ang naging desisyon, kitang-kita sa laban na kontrolado ni Hernandez ang bakbakan at hindi umubra ang takbo-takbo style ni Kameda.
Panalo na ito na magpapalakas sa record ni Sebastian Hernandez at patunay na hindi sapat ang puro takbo at iwas para manalo kung tuloy-tuloy ang pressure at suntok ng kalaban.
Abangan ang susunod na laban ni Sebastian Hernandez matapos ang panalo na ito sa Osaka, Japan.


Comments
Post a Comment