Manny Pacquiao Pasok Pa Rin sa Joshua vs Fury Card — Shakur Stevenson Tinanggal Dahil sa Budget



Manny Pacquiao mainit parin ang pangalan para sa co-main event ng pinakamalaking laban ng dekada na Anthony Joshua vs Tyson Fury sa December 11 sa Cardiff, Wales.

Ayon sa BoxingScene, una pinag-usapan ang double main event — Pacquiao vs Shakur Stevenson sa ilalim ng Joshua-Fury. Pero ngayon, si Pacquiao na lang ang tinutulak na isama, at si Shakur Stevenson ililipat sa ibang card.

Sino may gusto kay Pacquiao? Netflix na mag-stream ng laban at Sela — events coordinator ng Saudi Arabia. Alam nila na pag si Pacquiao ang nasa card, buong Asia manonood — household name pa rin ang 8-division champion na may 62-8-3 record.

Bakit natanggal si Shakur? Budget daw. Sobrang laki na ng bayad kina Joshua at Fury — parehong two-time heavyweight champion — kaya hindi na kaya magbayad pa ng dalawang fighter na tig 8-figures. Kahit si Shakur Stevenson na undefeated 25-0 at Olympic silver medalist, dating 3-division champion na tinalo si Teofimo Lopez nung January 31 — hindi na isinama dahil sa gastos.

Si Pacquiao nakatanggap na ng offer laban kay Shakur at nag-counter offer pa. Si Shakur naman isang offer lang natanggap tapos binawi agad.

Ngayon, hindi pa alam kung sino makakalaban ni Pacquiao sa co-main. Hindi raw si IBF champ Liam Paro. Nababanggit sina Danny Garcia at Amir Khan na retired na. Nag-presinta rin si Ryan Garcia pero mas mahal pa daw singil kesa kay Shakur.

Si Shakur Stevenson naman na bagong pirma sa Zuffa Boxing ni Dana White — hawak 60% ni Turki Alalshikh — hindi pa lumalaban simula nung tinalo si Lopez. Kung hindi si Pacquiao, posibleng makalaban niya sina Jose Valenzuela, Richardson Hitchins, Devin Haney o Raymond Muratalla. Tinanggihan na raw ni WBA 140lbs champ Gary Antuanne Russell ang offer laban kay Shakur.

Sa post ni Shakur sa X, sabi niya: "U people can't appreciate greatness."

Kung natuloy Pacquiao vs Shakur, 47 vs 29 years old — legend vs prime — sana buong mundo nanood ng galing ni Shakur. Pero ngayon, pera pa rin masusunod.

Source: BoxingScene

I-SHARE ANG BALITANG ITO: Facebook X WhatsApp Copy Link
UPCOMING FIGHTS
OCT 31 - RIYADH
Canelo Alvarez vs Christian Mbilli
WBC Super Middleweight
OCT 24 - TEXAS
Navarrete vs Foster - Unification
IBF/WBC/WBO Title
DEC 11 - CARDIFF
Fury vs Joshua + Pacquiao Undercard
Heavyweight Mega Fight