Sean Gibbons Binanatan Ang BoxRec: Tinawag Na "Box WRECK" Dahil Sa Hindi Pagbilang Ng Laban Sa Thailand


Binanatan ni MP Promotions President Sean Gibbons ang BoxRec — ang pinakamalaking boxing record database sa buong mundo.

Sa kanyang post sa X, tinawag niya itong "Box WRECK" at inakusahan ng korapsyon.

"Somebody needs to investigate Box WRECK!! They are deciding that they are God and they are not counting Fights in Thailand that are legitimate Fights promoted properly against legitimate fighters they are corrupt Box is corrupt"

Ayon kay Gibbons, maraming lehitimong laban sa Thailand ang hindi binibilang ng BoxRec kahit maayos ang promotion at lehitimo ang mga kalaban. Malaking problema ito dahil kung hindi bibilangin ng BoxRec ang laban, hindi ito lalabas sa professional record ng boksingero — apektado ang ranking at future na laban.

Sa follow-up post, naglabas si Gibbons ng screenshot ni Aku Zhiguo Zhang na suot ang BoxRec shirt at nagpapasalamat kina Dr. Marina Shep at Dr. John ng  noong 2019 at 2020. Nilagyan niya ito ng caption na "This pa" — na tila may pinapahiwatig na conflict of interest.

Umabot na sa 19K views ang post ni Gibbons at umani ng atensyon sa boxing community. Sa ngayon, wala pang opisyal na sagot ang BoxRec sa akusasyon.

Matatandaang hindi na ito ang unang beses na binatikos ang BoxRec sa kanilang pag-apruba ng mga laban sa Asia.

Ano sa tingin nyo mga Ka-Jawe? Dapat ba talagang imbestigahan ang BoxRec?


                   This embedded post is from Sean Gibbons - X Account 

I-SHARE ANG BALITANG ITO: Facebook X WhatsApp Copy Link
UPCOMING FIGHTS
OCT 31 - RIYADH
Canelo Alvarez vs Christian Mbilli
WBC Super Middleweight
OCT 24 - TEXAS
Navarrete vs Foster - Unification
IBF/WBC/WBO Title
DEC 11 - CARDIFF
Fury vs Joshua + Pacquiao Undercard
Heavyweight Mega Fight