Ryan Garcia Challenge Kay Floyd Mayweather: Professional Fight, Hindi Exhibition - 50-0 Sa Linya!
AYAW NG EXHIBITION! Ryan Garcia Gusto Sunggaban Ang 50-0 Ni Floyd Mayweather!
Mainit ang boksing ngayon matapos maglabas ng matapang na hamon si WBC Welterweight Champion Ryan "KingRy" Garcia kay undefeated legend Floyd Mayweather Jr.
Sa kanyang post sa X (Twitter) 12 hours ago, diretsahang sinabi ni Garcia na ayaw niya ng exhibition - gusto niya tunay na laban kung saan nakataya ang perpektong record ni Mayweather.
“And no I wouldn’t do an exhibition I want his 0 on the fucking line. How much does he actually think he got left. I’m ready Floyd, remember you made this call. I’m just returning the favor. Offer is on the table.”
FLOYD ANG UNANG TUMAWAG?
Ayon sa ulat ng FightHype at TalkSport ngayong October 7, 2026, si Mayweather mismo ang nag-reach out sa kampo ni Garcia para sa isang shock fight.
Si Floyd, na magtu-turn 50 na sa February 2026, ay huling lumaban ng professional noong 2017 kontra Conor McGregor kung saan nakuha niya ang 50-0. Simula noon, puro exhibition na lang ang ginawa niya — kontra Logan Paul, at dapat sana kay Manny Pacquiao at Mike Tyson — pero nauudlot dahil sa isyu kung exhibition o professional.
Pero malinaw kay Ryan: No exhibition, no deal.
“Accept or not, if not I move foward as I have been,” dagdag pa ni Garcia.
GALING SA MALAKING PANALO
Kasalukuyang nasa momentum si Ryan Garcia matapos ang dominant 2nd round TKO victory kontra Conor Benn noong September 2026. Dahil dito, hawak niya ang WBC belt sa 147 lbs.
Si Mayweather naman, kahit 49 anyos na, ay nananatiling malaking atraksyon dahil sa kanyang ring IQ - pero ayon sa mga analyst, malaki ang tsansa na mahirapan siya sa bilis ng kamay at left hook ni Garcia kung matuloy ang laban.
WALA PANG PIRMA
Nilinaw ng Boxing News 24 na wala pang pirma, walang petsa at venue. Pero umabot na sa 334K views ang post ni Garcia sa loob lang ng 12 oras - patunay na maraming fans ang gustong makita kung gaano pa kalakas ang natitira kay Money Mayweather.
ANALYSIS:
Sa tingin ko hindi papayag si mayweather na itaya ang kanyang 50-0 na record papalag lang sya kay Ryan garcia kung exhibition fight kaya mauuwi lang sa wala ang kanilang hamunan.
Payag ba kayo mga ka-JAWE? Dapat ba itaya ni Floyd ang 50-0 niya kontra Ryan Garcia? O exhibition lang dapat? Comment below!
Source: Ryan Garcia Official X @RyanGarcia
