Rolando Dy Pinakita Ang Tunay Na Sportsmanship Bago Ang BKB Bare Knuckle Boxing Fight: "It's Just A Sport"


Pinatunayan ni Pinoy MMA at Bare Knuckle Boxing Super Welterweight World Champion Rolando Gabriel Dy na hindi mo kailangan maging mayabang para maging world class.

Sa kanyang Facebook post kahapon, makikitang magkasabay sa isang sasakyan si Dy at ang kanyang makakalaban na si Scott McHugh papunta sa media workout ng BKB Bare Knuckle Boxing.
"Its just a sport. We will fight but thats just it. Riding together going to the media BKB Bare Knuckle Boxing work out."

Ayon kay Dy, hindi na kailangan ng trash talk para mapatunayan ang sarili sa ganitong level ng laban.
"Guys you don't need to act arrogant, be rude and talk trash to be in this level of fight game. You just need to be skilled and fierce."

Isang magandang halimbawa ito ng respeto sa loob ng combat sports — magkalaban sa ring, pero magkaibigan sa labas.

Ngayong Oct 10 na ang kanilang laban sa Utilita Arena Newcastle, Tyne and Wear, United Kingdom, October 11 naman dito sa pinas araw ng linggo

Matatandaang si Rolando Dy ay dating UFC fighter (2017-18), former UAE Warriors World Champion noong 2019, Brave CF Fighter of the Year 2020, at ngayo'y kampeon sa Bare Knuckle Boxing Super Welterweight division. Siya rin ang may-ari ng Incredible Fighting and Fitness Center.

Patunay na ang tunay na mandirigma, hindi lang malakas sumuntok — may respeto rin.
Abangan ang laban ni Dy sa BKB — siguradong bakbakan!

I-SHARE ANG BALITANG ITO: Facebook X WhatsApp Copy Link
UPCOMING FIGHTS
OCT 31 - RIYADH
Canelo Alvarez vs Christian Mbilli
WBC Super Middleweight
OCT 24 - TEXAS
Navarrete vs Foster - Unification
IBF/WBC/WBO Title
DEC 11 - CARDIFF
Fury vs Joshua + Pacquiao Undercard
Heavyweight Mega Fight