Rolando Dy 4x Pinabagsak si McHugh - Retain ang BKB World Title sa BKB 60!

 


Dy Incredible pa rin ang hari!

Sa katatapos lang ng laban ni Pilipino Rolando "Dy Incredible" Dy pinatunayan nya na siya pa rin ang hari ng bare-knuckle boxing!

Tinalo at 4 na beses pinabagsak ni Dy si Scott "The Mute" McHugh sa Round 3 para ma-retain ang kanyang BKB Super Welterweight World Title sa BKB 60 na ginanap sa Utilita Arena, Newcastle, England ngayong October 10, 2026.

1ST ROUND

Naging maingat ang si rolando dy at ganun din si Scott McHugh pero sa 1st round palang lamang na sa patama ang pinoy.

2ND ROUND

Naging aktibo na sio Scott bumabato na ito, pero nagbago ang laro ni scott ng kumunekta ang jab straight ni Dy napayakap ang si scott habang binibira naman sya ni ng pinoy sa katawan napa luhod ito at ininda napala nito yung tama na straight. Nabilangan si scott muling bumagsak ito ng tamaan naman ng left hook, labing dalawang minuto nalang ang natitirang oras ng kumunekta nanaman ang kaliwa ni dy! bagsak nanaman sya sa pangatlong pagkakataon, pero nakabangon pa ulit at na save by the bell pa.

3RD ROUND

Pagpasok ng 3rd Round muling bumato ng left hook si dy at bagsak nanaman si Scott, binilangan ito ng referee! nakatayo panaman sya subalit nakita ng referee na hindi na ito ok kaya tinigil na ang laban.

Dahil sa panalo, umangat na ang record ni Dy sa 7 panalo, 1 talo, na may 6 na KO.

Naalala nyo ba yung pag-KO nya kay dating world boxing champion Paulie Malignaggi? Mas brutal pa dito!

Patuloy ang History ni Dy

Si Rolando Dy pa rin ang kauna-unahang Pilipino na naging BKB World Champion sa kasaysayan.

Anak pa siya ng dating WBC World Champion na si Rolando Navarrete. Sila ang kauna-unahang mag-ama na naging world champion sa boxing at bare-knuckle boxing!

Si McHugh naman ay 2-time BKB champion na may record na 17-5 bago ang laban. Gusto sana niyang kunin ang ika-6 na titulo niya, pero ibang klase ang lakas ng Pinoy.

Ano'ng Susunod kay Dy Incredible?

Sa isa na namang dominanteng panalo, mas lalong tumibay ang pangalan ni Rolando Dy bilang mukha ng BKB super welterweight division.

Asahan na mas malalaking laban pa ang naghihintay kay Dy sa 2027 habang patuloy na lumalaki ang BKB sa buong mundo.

Mabuhay ang Pinoy! Dy Incredible Still World Champion! 

Resulta: Rolando Dy def. Scott McHugh via TKO Round 3


I-SHARE ANG BALITANG ITO: Facebook X WhatsApp Copy Link
UPCOMING FIGHTS
OCT 31 - RIYADH
Canelo Alvarez vs Christian Mbilli
WBC Super Middleweight
OCT 24 - TEXAS
Navarrete vs Foster - Unification
IBF/WBC/WBO Title
DEC 11 - CARDIFF
Fury vs Joshua + Pacquiao Undercard
Heavyweight Mega Fight