BREAKING: President ng Poland na si Karol Nawrocki, Nag-Mitts Kay Manny Pacquiao sa Elorde Sports Complex Sucat Parañaque!
HISTORIC! President ng Poland, NAKIPAG-BOXING kay Manny Pacquiao sa Parañaque!
Isang historic moment ang naganap sa Elorde Gym, Sucat, Parañaque — kung saan personal na nakipag-ensayo ang kasalukuyang Presidente ng Poland na si Karol Nawrocki kay Pambansang Kamao Manny Pacquiao!
Sa naganap na boxing session sa Elorde Sports Complex, makikita si President Nawrocki na nakikipag-mitts kay Pacman — suot ang boxing gloves habang si Pacquiao ang nag-hawak ng mitts.
Pasasalamat kina Maam Cucuy Elorde at Juan Miguel Elorde sa pag-host ng special boxing session na ito.
Ito ay parte ng kauna-unahang State Visit ng isang nakaupong Presidente ng Poland sa Pilipinas. Dumating sa bansa si President Karol Nawrocki at First Lady Marta Nawrocka noong October 5, 2026 sa Villamor Air Base, Pasay, para sa 3-day state visit hanggang October 8.
Ayon sa Malacañang, ito ang kauna-unahang pagbisita ng Polish Head of State sa Pilipinas sa loob ng mahigit 50 taon ng diplomatic relations simula 1973.
Bago mag-mitts sa Elorde, binisita ni President Nawrocki si Pangulong Bongbong Marcos sa Malacañang kung saan tinalakay ang defense, trade, agriculture at people-to-people ties ng Pilipinas at Poland.
BOXING DIPLOMACY!
Kilala si President Nawrocki bilang isang boxing enthusiast at dating amateur boxer sa Poland — kaya hindi na nakakagulat na isa sa gusto niyang gawin sa Pilipinas ay makasama ang 8-division world champion na si Manny Pacquiao.
Si Pacquiao naman, na makikita sa video na naka-white shirt at masayang nagtuturo ng mitts, ay tila nag-enjoy sa pakikipag-training sa lider ng Poland.
Patunay ito na ang boxing ay hindi lang sports sa Pilipinas — isa na itong tulay para sa diplomasya at pagkakaibigan ng mga bansa!
Ano masasabi nyo mga ka-JAWE? Astig ba si President ng Poland mag-boxing?
This embedded post is from Karol Nawrocki official Facebook account
