Kapatid Ni Carl Jammes Martin May Matinding Bwelta Kay Coach Jayson Casimero

Kapatid Ni Carl Jammes Martin May Matinding Bwelta Kay Coach Jayson Casimero

Kapatid ni Carl Jammes Martin nagsalita laban kay Coach Jayson Casimero

Matinding sagutan ang namamagitan ngayon sa kampo ni Carl Jammes Martin at kay Coach Jayson Casimero matapos magbigay ng matapang na pahayag ang kapatid ng undefeated Pinoy prospect laban sa kapatid ni Cuadro Alas.

Sa nilabas na video ng kapatid ni Martin na kilala sa Social Media bilang Poging Japith TV, diretsahang sinagot ng kapatid ni Martin ang mga naging pahayag ni Coach Jayson Casimero tungkol sa nalalapit na laban ng kanyang kapatid na si Martin kontra kay Picasso.

Nagtataka sa Pahayag ni Coach Jayson

Ayon sa kapatid ni Martin, nagtataka umano siya sa mga sinasabi ni Coach Jayson Casimero.

"Nagtataka lang ako dito kay Coach Jayson! Pag si Martin lalaban sa hindi naka ranking andami nyang sinasabi, pero pag lalaban naman ngayon sa may panagalan andami parin sinasabi" ani ng kapatid ni Martin.

Nagpahiwatig ang kapatid ni Martin na tila may pinagdadaanan umano si Coach Jayson sa mga naging pahayag nito, sabay turo sa isip

Malinaw sa naging pahayag ng kapatid ni Martin na hindi nito nagustuhan ang tila pabago-bagong opinyon ni Coach Jayson sa career ni Martin.

Bakit Bumanat si Coach Jayson Casimero?

Matatandaang bumanat si Coach Jayson Casimero kay Carl Jammes Martin kung saan sinabi nito na:

Walang Pag-asa mananalo si Martin kay Picasso

Wala umanong power si Martin para talunin si Picasso

Ipapakain lang umano si Martin kay Picasso

Iginiit din ni Coach Jayson na hindi umano tunay na oportunidad para kay Martin ang laban kay Picasso. Aniya, ang tunay na oportunidad para kay Martin ay ang mapalaban sa WBO Super Bantamweight division sa oras na umakyat na si Naoya Inoue sa Featherweight. Ngunit sa halip aniya ay nilabanan ni Martin si Picasso sa Featherweight division.

Reaksyon ng Boxing Fans

Dahil sa naging sagutan, hati ngayon ang opinyon ng boxing fans. May mga pumapanig sa kapatid ni Martin na tila pinoprotektahan lamang ang kanyang kapatid, habang may mga sumasang-ayon naman kay Coach Jayson na kilala sa pagiging prangka pagdating sa analysis sa boxing.

Sa ngayon, wala pa namang direktang sagot si Coach Jayson Casimero sa naging bwelta ng kapatid ni Martin, ngunit inaasahang magiging mas mainit pa ang palitan ng pahayag habang papalapit ang laban ni Martin kay Picasso.

Patuloy na subaybayan ang Jawe Boxing World para sa pinaka maiinit na balita sa Pinoy Boxing.



Carl Jammes Martin, Jayson Casimero, Casimero Brothers, Picasso vs Martin, Pinoy Boxing, Jawe Boxing World, WBO Super Bantamweight, Naoya Inoue


I-SHARE ANG BALITANG ITO: Facebook X WhatsApp Copy Link
UPCOMING FIGHTS
OCT 31 - RIYADH
Canelo Alvarez vs Christian Mbilli
WBC Super Middleweight
OCT 24 - TEXAS
Navarrete vs Foster - Unification
IBF/WBC/WBO Title
DEC 11 - CARDIFF
Fury vs Joshua + Pacquiao Undercard
Heavyweight Mega Fight