Kambosos Sinupalpal si Gervonta Davis: "Tigil Nyo Rehydration Clause, Dog Fight Tayo!"

 


Photo: Instagram / @gervonta and georgekambososjr

Uminit ang palitan ng mga salita sa social media nina George "Ferocious" Kambosos Jr. at Gervonta "Tank" Davis matapos kumalat ang usapang posibleng comeback fight ng dalawa.

Nagsimula ito sa isang X account na @MoneyTwofly, na matagal nang iniuugnay kay Tank Davis, na nag-post na si Kambosos umano ang panay ang tawag para matuloy ang laban.

Agad naman itong sinagot ni Kambosos sa kanyang official X account.

"Actually the complete opposite....you guys be calling more than the IRS, the same ones that's been calling you to pay them taxes back. Habitual liar behind a fake account. Listen mate teams are talking, I fear none, just stop with the rehydration clauses ffs. A fights a fight!!! Dog fight, no problem." — George Kambosos Jr.

Ayon kay Kambosos, kampo pala ni Davis ang mas agresibo sa negosasyon. Kinumpirma rin ng Australian na nag-uusap na ang dalawang kampo, ngunit may hinihingi umanong rehydration clause ang kampo ni Tank — bagay na tinututulan niya.

Matatandaang hindi pa lumalaban si Davis mula noong March 2025 matapos ang kontrobersyal na majority draw kontra Lamont Roach. Naudlot din ang nakatakda sanang exhibition match nito kay Jake Paul dahil sa kinaharap na kaso sa labas ng ring.

Si Kambosos naman, na tinalo si Teofimo Lopez noong 2021 para maging undisputed lightweight champion, ay dumaan sa matinding pagsubok — apat na talo sa huling anim na laban, kabilang ang dalawang talo kay Devin Haney at stoppage losses kina Vasiliy Lomachenko at Richardson Hitchins.

Sa kabila ng record, buo pa rin ang loob ni Kambosos na harapin si Tank sa isang "dog fight" — basta walang dagdag na kondisyon sa timbang.

Wala pang opisyal na anunsyo kung matutuloy ang laban, ngunit malinaw na bukas ang parehong kampo sa negosasyon.

Para sa Jawe Boxing World, manatiling nakatutok para sa iba pang updates sa posibleng Kambosos vs Davis showdown.

Source: Kambosos X post / Boxing News Online


I-SHARE ANG BALITANG ITO: Facebook X WhatsApp Copy Link
UPCOMING FIGHTS
OCT 31 - RIYADH
Canelo Alvarez vs Christian Mbilli
WBC Super Middleweight
OCT 24 - TEXAS
Navarrete vs Foster - Unification
IBF/WBC/WBO Title
DEC 11 - CARDIFF
Fury vs Joshua + Pacquiao Undercard
Heavyweight Mega Fight