John Riel Casimero Nag-Umpisa Na Mag-Ensayo Para Sa December Comeback Fight — Sebastian Hernandez Posibleng Makalaban
John Riel Casimero Nag-Umpisa Na Mag-Ensayo Para Sa December Comeback Fight
MANILA, Philippines — Nag-umpisa nang mag-ensayo kahapon, Oktubre 6, 2026, si former 3-division world champion John Riel "Quadro Alas" Casimero, senyales na naghahanda na ito para sa kanyang pagbabalik ngayong Disyembre.
Bagamat wala pang opisyal na anunsyo mula sa kanyang kampo, usap-usapan na ang Mexican na si Sebastian Hernandez ang posibleng makatapat ng Pinoy slugger.
Matatandaang nanood mismo sa ringside si Casimero sa naging laban ni Hernandez kontra Japanese na si Kyonosuke Kameda, kung saan nanalo si Hernandez via split decision.
Sa isang video na inilabas ni Casimero, sinabi mismo nito na si Hernandez ang kanyang makakalaban, ngunit nilinaw din nito na nasa promoter pa rin ang pinal na desisyon kung sino ang itatapat sa kanya.
Casimero vs Hernandez, Posible sa Disyembre
Si Hernandez, na may impresibong panalo kontra Kameda, ay kasalukuyang isa sa mga sumisikat na pangalan sa super bantamweight at sa huli nyang laban na Featherweight division — parehong dibisyon kung saan muling gustong maghari ni Casimero.
Si Casimero, na may kartadang 35 panalo, 5 talo at 1 draw, ay huling lumaban noong Hunyo 6, 2026 kontra Mexican Former 2 Divison World champion Luis Nery na tinapos lang ni Casimero sa loob ng 4th Round TKO at gutom na muling bumalik sa world title contention.
Sa ngayon, wala pang opisyal na venue at petsa para sa laban, ngunit ayon sa ilang source, target ang Disyembre ngayong taon para sa pagbabalik ni Quadro Alas.
Source Training: CASIMERO
