Hindi Na Raw Kailangan Pag-ensayuhan si Sebastian Hernandez Angas ni Casimero: Si Hernandez Parang Pitbull Cruz Pero No Need Ensayo Casimero Binara ng GF Matapos Sabihing Hindi Na Kailangan Mag-ensayo vs Hernandez


Casimero: Hindi Ko Na Kailangan Pag-ensayuhan si Hernandez, Parang Pitbull Cruz Lang

Matapos talunin ni Mexican prospect Sebastian Hernandez si Japanese Kyonosuke Kameda via split decision sa Japan noong Setyembre 23, 2026, agad na umingay ang posibilidad na si dating 3-division world champion John Riel Casimero ang sunod na makakaharap nito sa Disyembre.

Personal na nanood sa ringside si Casimero at nagbigay ng matapang na opinyon ukol sa istilo ng Mexican.

Ayon kay Casimero, malakas at matibay si Hernandez at inihalintulad pa niya ito kay Pitbull Cruz dahil sa dikitan kung lumaban at sa lakas ng suntok sa loob.

"Parang si Pitbull Cruz si Hernandez, kahit dikitan palaban," ani Casimero.

Ngunit sa kabila ng papuri, hindi nawala ang angas ng Pinoy slugger.

Giit ni Casimero, hindi na raw niya kailangan ng matinding paghahanda sakaling magkaharap sila ni Hernandez.

Kaagad naman itong binara ng kanyang girlfriend na nagbiro at tinawag siyang "Boy Hingal."

Natawa si Casimero ngunit mabilis na sumagot, "Boy hingal pero yung mga kalaban, matik bale ang leeg."

Napunta rin sa usapan ang dating nakalaban ni Hernandez na si Kyonosuke Kameda. Sinabi ng girlfriend ni Casimero, kung si Kameda ang kalaban, ang dapat ensayuhin Jogging at takbo

Sang-ayon si Casimero na hindi boxing ang dapat paghandaan kundi takbo.

"Hindi boxing ang pag-eensayuhan ko kay Kameda, jogging at sprinting. Panay takbo kasi si Kameda," banat ni Casimero.

Sa ngayon ay wala pang opisyal na anunsyo kung matutuloy ang Casimero vs Hernandez sa Disyembre, ngunit tiyak na isa ito sa mga labang aabangan ng mga Pinoy boxing fans.

I-SHARE ANG BALITANG ITO: Facebook X WhatsApp Copy Link
UPCOMING FIGHTS
OCT 31 - RIYADH
Canelo Alvarez vs Christian Mbilli
WBC Super Middleweight
OCT 24 - TEXAS
Navarrete vs Foster - Unification
IBF/WBC/WBO Title
DEC 11 - CARDIFF
Fury vs Joshua + Pacquiao Undercard
Heavyweight Mega Fight