Haney vs Shakur Umiinit — Rehydration Clause Ang Pinag-aawayan
Shakur Stevenson at Devin Haney Nagkasagutan Matapos Maghamunan sa Social Media
Umiinit ang sagutan nina dating undisputed lightweight champion Devin Haney at undefeated WBC lightweight champion Shakur Stevenson matapos magpalitan ng maiinit na mensahe sa social media.
Ibinahagi ng Ring Magazine ang nasabing sagutan na agad umani ng atensyon mula sa boxing fans, na may caption na "Inject this fight into our veins."
Nagsimula ang usap nang hamunin ni Haney si Shakur na tanggalin umano ang rehydration clause sa kanilang posibleng paghaharap.
"Drop your nuts & rehydration clause then," ani Haney sa kanyang post sa X.
Hindi naman nagpatinag si Shakur at mabilis na sumagot.
"Prove it then! Let's scrap f**_ the online negotiations. Lets drop our nuts in front of the world and make the biggest and best fight in boxing!" sagot ni Stevenson.
Giit ni Haney, wala siyang kinatatakutan maliban sa Diyos, "I fear none but Allah."
Ngunit bumanat muli si Shakur at sinabing tila natakot si Haney sa kanyang tweet, "My tweet scared Dev, n_**a u posted me first chill."
Sa ngayon, wala pang opisyal na anunsyo kung matutuloy ang Haney vs Shakur, ngunit malinaw na kapwa bukas ang dalawa sa paghaharap. Ang rehydration clause ang isa sa mga tinututukan ng negosasyon, kung saan nililimitahan ang bigat ng boksingero sa araw ng laban matapos ang weigh-in.
Ang posibleng paghaharap nina Haney at Shakur ay itinuturing na isa sa pinakamalaking laban sa lightweight division sa 2027, kung saan magtatapat ang dalawa sa pinakamagaling na technical boxer ng henerasyong ito.
