Brandon Figueroa vs Tomoki Kameda Final Na! Figueroa: "Hindi Ko Minamaliit Si Kameda" — Inoue Naman, "Welcome Sa 126!"
WBA World Featherweight Champion Brandon "Heartbreaker" Figueroa (29, USA) depensahan na ang titulo kontra sa Japanese veteran na si #3 ranked Tomoki Kameda (35, TMK) sa October 17 (Oct 18 Japan time) sa Cosmopolitan, Las Vegas!
Ito ang unang depensa ni Figueroa sa loob ng 8 buwan mula nung bawiin niya ang WBA belt kay Nick Ball (UK) via 12th round TKO sa Liverpool noong February ngayong taon. Ang laban ay under ng PBC at live sa TNT at DAZN bilang parte ng "The Fight" series.
Figueroa, Rumespeto Kay Kameda
Sa interview sa US media, sinabi ni Figueroa:
"Ibibigay ko lahat sa Oct 17. Si Kameda ay beterano at matibay na fighter. Mas maraming experience siya sakin, at hindi ko minamaliit ang achievements niya. Pinanood namin ang mga laban niya at inaral ang tactics niya."
Naalala pa ni Figueroa ang talo niya kay Stephen Fulton noong Feb 2025 na naging dahilan ng pagkawala ng WBC title niya sa parehong weight. Aniya:
"Susubukan ng kampo ni Kameda na talunin ako sa boxing at gayahin ang ginawa ni Fulton. Alam kong 100% prepared sila, pero gagawin ko lang trabaho ko at dedepensahan ang belt ko."
Target: Unification at Naoya Inoue!
Hindi lang Kameda ang nasa isip ni Figueroa. Pagkatapos ng laban na ito, gusto niya na ng unification bout.
"Sa Oct 17, papatunayan kong ako ang pinakamalakas sa 126-pound division. Gusto kong harapin ang pinakamagagaling."
At nang tanungin siya sa online presscon last month tungkol kay Naoya Inoue (33, Ohashi Gym) — ang undisputed super bantamweight champ na planong umakyat sa featherweight sa 2027 — sagot ni Figueroa:
"Welcome to the 126-pound. I'd be happy to welcome him."
Si "Heartbreaker" Figueroa na kilala sa walang katapusang stamina at sunod-sunod na suntok sa ulo at katawan, ay maghihintay kay Kameda sa kanyang home turf sa Vegas.
Laban na aabangan! Kaya ba ni Kameda na agawin ang WBA belt o mananatiling hari si Figueroa at haharapin si Monster Inoue sa 2027?
Source: Nikkan Sports
