Casimero vs Sebastian Hernandez Na Ba? Kapwa Nag-post ng Poster, Mukhang Tuloy Na ang Laban

Umiinit ang usap-usapan na si Sebastian Hernandez na ang susunod na makakalaban ni John Riel Casimero.

Matatandaan na nag-post ang Ring Magazine ng poster nina Casimero at Hernandez na may tanong kung sino ang mananalo kung sakaling magharap ang dalawa. Agad naman itong ibinahagi ni Casimero sa kanyang Facebook account.

Hindi lamang si Casimero ang nagbahagi ng poster. Maging si Hernandez mismo ay nag-post nito sa kanyang Instagram story, na lalong nagpatibay sa hinala ng mga fans na siya na nga ang napipisil na kalaban ni Quadro Alas.

Kung matuloy man ang laban, inaasahang magpapakitang-gilas si Casimero laban kay Hernandez. Nais ni Casimero na ipakita kay Junto Nakatani kung paano tatalunin si Hernandez via knockout, isang bagay na hindi nagawa ni Nakatani.

Maihahalintulad ito sa nangyari kina Luis Nery at Naoya Inoue. Kung natapos ni Inoue si Nery sa round 6 at napatumba pa siya ni Nery sa round 1, mas maagang tinapos ni Casimero si Nery sa round 4 at hindi man lang siya napatumba.

Gayunpaman, ayon sa ilang fans, delikado pa rin si Hernandez para kay Casimero, lalo na kung makayanan nito ang lakas ng suntok ni Quadro Alas.

Abangan ang iba pang update ukol sa posibleng Casimero vs Hernandez fight.



I-SHARE ANG BALITANG ITO: Facebook X WhatsApp Copy Link
UPCOMING FIGHTS
OCT 31 - RIYADH
Canelo Alvarez vs Christian Mbilli
WBC Super Middleweight
OCT 24 - TEXAS
Navarrete vs Foster - Unification
IBF/WBC/WBO Title
DEC 11 - CARDIFF
Fury vs Joshua + Pacquiao Undercard
Heavyweight Mega Fight