Martin Binunyag Bakit Umakyat ng Featherweight: 7 Rank sa Super Bantamweight Ayaw Lumaban, Kabilang ba si Casimero?

 

So mga tol dalawang linggo na lang mahigit ay masasaksihan na natin ang laban ni top contender at undefeated Carl Jammes Martin (28-0-0, 21 KOs) kontra Mexican David Picasso (31-1-1, 18 KOs) sa Riyadh, Saudi Arabia. Ito ay undercard sa labanan nina Canelo Alvarez vs Christian Mbilli.

Kumpyansa si Martin na kaya niyang talunin si Picasso. Sinabi niyang mas matalino umano siya pagdating sa itaas ng ring kumpara kay Picasso at ang tanging lamang lang ni Picasso ay ang experience nito kay Naoya Inoue.

Pinag-aralan na rin nila ang istilo ni Picasso. May mga idinagdag ang bago niyang coach na si Marvin Somodio at ang head trainer at ama niyang si Abel Martin na magagamit nila sa laban.

"Hindi naman siya ganon kalakas. Actually nasa 122 lbs siya talaga originally and yung experience niya sa laban kay Inoue, yun lang ang magiging advantage niya sa akin. Pero hindi ko naman din po mapagkakaila na mas matalino siguro ako sa kanya sa itaas ng ring." - Carl Jammes Martin sa panayam ng Bilyonaryo News Channel



Gustong-gusto din ni Martin na ipakita o sabihin ang kanilang gameplan para mapatunayan sa mga tao na ibang klase pa rin ang Carl Jammes Martin from Ifugao, pero sabi ng tatay niya ay relax lang daw kasi bibiglain daw nila si Picasso pagdating sa laban.

Pinayuhan din si Martin ng kanyang tatay na ayusin nito ang laro dahil yan ang magpapakilala sa kanya. Nakalaban na kasi ni Picasso si Inoue, kaya hindi madaling kalaban si Picasso dahil matangkad at mas maraming experience.

Sinabi din ni Martin sa Bombo Radyo Baguio na sa katunayan ay sa Super Bantamweight dapat siya lalaban, subalit si Picasso lang daw ang available niyang makakalaban sa Featherweight at parehas naman nilang gustong maglaban.

Yung Top 7 na naka-rank daw kasi sa Super Bantamweight ay walang available, hindi sila pwede, o walang gustong lumaban sa kanya. So kung pupunta tayo sa ranking ng WBO Super Bantamweight, isa na si Casimero ang naka Rank dahil nasa No. 4 si Casimero. Ibig sabihin isa ba si Casimero ang hindi available o ayaw siyang labanan?

Kaya umakyat na lang siya ng Featherweight at kung sakaling manalo daw siya at palarin kay Picasso, sana mabigyan daw siya ng pagkakataon ni Inoue na makalaban niya ito. Hihintayin daw niya si Inoue sa Featherweight division.

Dalawang Pinoy nga po ang humahanting kay Naoya Inoue, si Carl Jammes Martin at John Riel Casimero.

Sa tingin natin dyan mga tol, kapag nanalo si Martin kay Picasso lalo na kung impresibo, tiyak na tataas ang tingin sa kanya ng mga boxing fans. Kung mapapatulog niya si Picasso na hindi nagawa ni Inoue, pwede niya yang ipagmalaki at pwede na niyang hamunin si Naoya Inoue. Sasabihin niya kay Inoue na, "Uy tinalo ko si Picasso, pinatulog ko siya pero ikaw hindi mo napatulog. Tayo naman ang maglaban."

Kaya abangan natin ang ipapakita ni Martin sa Oct. 31 kung lahat ba ng sinabi niya ay mangyayari. Pero para sa atin ay mukhang 50-50 ang laban na yan. Pwedeng matalo si Martin sa puntusan, pwede din manalo si Martin sa puntusan basta gayahin lang ni Martin yung ginawa ni Inoue kay Picasso. Nilamangan sa puntos kaya nakuha ni Inoue ang panalo.

Si Martin na din ang nagsabi na mas matalino daw siya kesa kay Picasso sa ring. Kung makikipagsabayan naman si Picasso, may kalalagyan din siya kay Martin dahil may lakas din ang Pinoy.

Pinagkunan: Bilyonaryo News Channel at Bombo Radyo Baguio
I-SHARE ANG BALITANG ITO: Facebook X WhatsApp Copy Link
UPCOMING FIGHTS
OCT 31 - RIYADH
Canelo Alvarez vs Christian Mbilli
WBC Super Middleweight
OCT 24 - TEXAS
Navarrete vs Foster - Unification
IBF/WBC/WBO Title
DEC 11 - CARDIFF
Fury vs Joshua + Pacquiao Undercard
Heavyweight Mega Fight