OFFICIAL? Haney vs Stevenson Posibleng Maganap sa Nov 28 sa Atlanta sa 145 lbs - May Hamon na!
Matagal nang hinihintay ng boxing fans ang bakbakang Devin Haney vs Shakur Stevenson, at mukhang malapit na itong matuloy!
Ayon sa ulat ng Ring Magazine, may petsa at lugar na pinag-uusapan para sa mega fight na ito.
Sinabi ni Bill Haney, ama at trainer ni Devin Haney, sa Tru Media Podcast na hinamon nila ang kampo ni Shakur na labanan si Devin sa 145 pounds sa November 28 sa Atlanta.
"Nahamon na ang team nila na labanan si Devin sa 145 at gawin ito sa ika-28 ng Nobyembre sa Atlanta," sabi ni Bill Haney. "Nasa mesa na ang offer para lumaban siya ng Nobyembre."
Dati, parang imposible ang laban dahil sa timbang. Si Shakur Stevenson, na may hawak na The Ring at WBO junior welterweight title matapos talunin si Teofimo Lopez noong January 31 sa Madison Square Garden, ay ayaw lumaban sa 147 pounds. Si Devin naman, na Rank No.1 welterweight ng The Ring at WBO champion, ay ayaw sa catchweight.
Pero nitong mga nakaraang araw, uminit ang usapan ng dalawang kampo. Ibinunyag ni Devin sa kanyang X account na bukod sa gusto niyang labanan sa 144 pounds, humirit pa si Stevenson (25-0, 11 KOs) ng 10-pound next-day rehydration clause.
Sa ngayon, hindi pa final ang laban, pero malinaw na parehong gustong magharap ng dalawang undefeated American champions bago matapos ang taon.
Abangan ang official announcement!
Analysis:
Kung matuloy ang laban na yan sa tingin natin magiging chess match ang labanang yan at walang babagsak, mauuwi lang ang hatol sa mga hurado 50-5-0. Pero kapag hindi nabasag ni Haney ang mahigpit na depensa ni shakur papabor kay shakur ang mga hurado.
Kayo mga tol ano sa tingin nyo may knockout bang mangyayari kung matuloy ang laban na yan?
Source: Ring Magazine
