BEN WHITTAKER MUNTIK MA-TKO SA FINAL ROUND KONTRA WALLACE — PANALO PERO BUG-BUG SA ROUND 12!
Ben Whittaker nanalo vs Conor Wallace via UD sa Birmingham pero muntik ma-TKO sa Round 12. Puro yakap sa final round - 13-0-1 na record. Panoorin video!
Grabe ang final round ni Ben Whittaker kagabi sa Utilita Arena Birmingham! Panalo via Unanimous Decision kontra Conor Wallace, pero muntik nang ma-Knockout sa Round 12 — puro yakap ang ginawa para makaligtas!
Kontrolado ni Whittaker ang unang 9 rounds gamit ang kanyang bilis at footwork. Halos lahat ng rounds nakuha nya. Pero pagdating ng Round 10, doon na nagbago ang ihip ng hangin.
Nagsimulang bumato ng mabibigat na suntok si Wallace. Sa Round 11, kita na ang pagod kay Whittaker. At sa Round 12 — grabe — ilang beses napaatras si Whittaker, napaluhod, at napayakap kay Wallace para lang hindi bumagsak. Walang knockdown na tinawag ang referee kahit kita sa replay na dapat meron.
Sa huli, nanalo pa rin si Whittaker sa score na 117-111, 116-112, 115-113. Pero marami ang nagsasabi na hindi pa sya ready sa world champion tulad ni Dmitry Bivol o Artur Beterbiev.
Sa panalong ito, hawak pa rin ni Whittaker ang WBC Silver Light Heavyweight title at nakuha nya ang IBF mandatory spot. Ibig sabihin, sunod na nyang makakalaban ang may hawak ng IBF belt.
Si Conor Wallace naman, kahit talo sa record na 17-2, panalo sa puso ng mga fans dahil sa kanyang tapang sa final round.
Ano sa tingin nyo mga Ka-Jawe? Kaya na ba ni Ben Whittaker ang world title? O kailangan pa nya ng maraming laban bago hamunin ang mga halimaw sa light heavyweight? Comment nyo sa baba!
