Ben Whittaker Fires Back After Scary 12th Round vs Conor Wallace: "One Round Win Feels Amazing For Them, But I Clearly Won"


Ben Whittaker Remains Undefeated After Tough Test Against Conor Wallace

Alam na ng karamihan ang nangyari kaninang umaga sa UK sa laban ni Ben Whittaker vs Conor Wallace kung saan nakuha ni Whittaker ang panalo via Unanimous Decision.

Dahil sa panalo, napanatili ni Whittaker ang kanyang WBC Silver Light Heavyweight title at nasungkit pa ang IBF Title Eliminator.

Pero hindi naging madali ang laban para kay Whittaker. Sa Round 12, muntik na siyang ma-knockout. Nahilo si Whittaker sa malakas na suntok ni Wallace at ilang beses lumuhod, pero hindi siya binilangan ng referee.

Dahil sa pinakita ni Wallace, maraming fans ang humanga sa kanya dahil muntik na niyang ma-knockout ang undefeated na si Whittaker.

Ano Sabi ni Ben Whittaker sa Post-Fight Press Conference?

Nagsalita na si Ben Whittaker sa post-fight presscon matapos ang laban. Ayon kay Whittaker:

"Porlet nanalo si Wallace ng isang round, akala ng mga tao amazing performance na niya yun. Pero sa huli, ako pa rin ang panalo at malinaw na panalo talaga ako."

Aminado naman si Whittaker na nasaktan siya ni Wallace. Aniya:

"Minsan talaga matatamaan ka. Parang lumalangoy ka, syempre mababasa ka. Parte lang yan ng boxing."

Nagulat din si Whittaker sa nangyari sa Round 12 kung saan muntik na siyang matumba. Pero tila nagyabang pa si Whittaker at sinabing kung maglalaban silang muli ni Wallace, hindi pa rin uubra sa kanya.

"Kung gusto pa mabugbog ni Wallace, sige lang. Handa ako kahit ilang beses pa," sabi ni Whittaker.

Ano sa tingin nyo mga tol? Kung maaga pa lang naalog ni Wallace si Ben, posible kayang ma-knockout si Whittaker?


This embedded post is from Matchroom Boxing official Facebook account
I-SHARE ANG BALITANG ITO: Facebook X WhatsApp Copy Link
UPCOMING FIGHTS
OCT 31 - RIYADH
Canelo Alvarez vs Christian Mbilli
WBC Super Middleweight
OCT 24 - TEXAS
Navarrete vs Foster - Unification
IBF/WBC/WBO Title
DEC 11 - CARDIFF
Fury vs Joshua + Pacquiao Undercard
Heavyweight Mega Fight