THE FINAL HURDLE: Carlo Paalam Pasok sa Gold Medal Fight Kontra Japan's Yamaguchi sa Asian Games!
Isang panalo na lang — gold na!
Pasok na sa Finals ng Men's 55kg Boxing si Olympic silver medalist Carlo Paalam matapos patumbahin ang reigning world champion na si Makhmud Sabyrkhan ng Kazakhstan sa score na 3-2 split decision ngayong Miyerkules sa Nishio Gymnasium, Japan.
Dikit ang laban. Nakuha ni Paalam ang Round 1 sa 4 na judges. Bumawi si Sabyrkhan sa Round 2. Pero sa Round 3 — mas malinis ang counter ni Paalam kahit na may 1-point deduction pa siya — kaya nakuha niya ang panalo sa 3 judges — scores 29-27, 29-27, 28-28.
Dahil dito, sigurado na si Paalam sa silver medal — at lampas na sa bronze finish niya noong 2018 Asian Games.
Sa kanyang post-fight interview, nanawagan si Paalam sa buong bansa.
"Please po support me, Sana po pagdasal niyo kami at sana makuha natin yung gold medal soon po," sabi ni Paalam.
Makakalaban niya sa Finals sa Biyernes, October 2, ang hometown favorite ng Japan — si Rui Yamaguchi, 22 years old. Tinalo ni Yamaguchi si Bilguunsaikhan Kharkhuu ng Mongolia via 5-0 unanimous decision sa kabilang semis.
Si Yamaguchi ay top 10 sa amateur bantamweight at may sunod-sunod na panalo sa World Boxing Cup at Asian Elite Championships ngayong 2026. Pero buo ang tiwala ng kampo ni Paalam.
"Kahit sino diyan kaya na natin kasi maganda naman yung condition ni Carlo, wala naman tayong problema," sabi ni Coach Elmer Pamisa.
Isang panalo na lang para tapusin ang 16-year gold medal drought ng Pilipinas sa boxing sa Asian Games. Huling nanalo ng gold si Rey Saludar noong 2010 sa Guangzhou.
Source: POC - Philippine Olympic Committee, Rappler, GMA News Online, Manila Bulletin
Event: 20th Asian Games Aichi-Nagoya 2026 - Men's 55kg Boxing
