Ryan Garcia Naglabas ng Sama ng Loob! 2 Beses na Pala Tumanggi si Pitbull Cruz sa Laban!
By: Jawe — Edited by: Joana Marie
Ibinunyag ni Ryan Garcia na hindi lang isang beses kundi dalawang beses na niyang hinamon si Isaac Pitbull Cruz para sa laban. Ayon kay Ryan Garcia, minsan pa nga ay mandatory pa si Pitbull Cruz pero dalawang beses pa rin daw tumanggi si Pitbull na labanan siya. Ngayon, sinabi ni Ryan Garcia na ito na ang huling pagkakataon na bibigyan niya ng chance si Pitbull Cruz na makalaban siya sa December. "Last time ever attempting to give Pitbull a chance. If he denies again, hindi ko na siya i-entertain ulit," sabi ni Ryan Garcia sa kanyang pahayag. Maraming fans ang nagulat sa rebelasyon ni Ryan Garcia. Akala ng marami ay si Ryan ang umiiwas, pero ayon kay Ryan, si Pitbull pala ang dalawang beses na tumanggi. Sa kabilang banda, hindi pa nagsasalita si Pitbull Cruz tungkol sa isyung ito. Naka-focus pa si Pitbull sa pag-celebrate ng kanyang panalo kay Nestor Bravo kung saan napanatili niya ang WBC Interim Super Lightweight Title. Matutuloy kaya ang Ryan Garcia vs Pitbull Cruz sa December? O iwasan na naman ni Pitbull ang hamon? Abangan ang sagot ni Pitbull Cruz dito lang sa Jawe Boxing World
Comments
Post a Comment