RUMOR: Luis Nery Tinatarget si Marlon Tapales sa December 30, 2026 — Balik sa Tuktok?


 
RUMOR ALERT: LUIS NERY VS MARLON TAPALES SA DECEMBER 30? 

Mainit ang usap-usapan ngayon sa boxing world matapos lumabas ang rumor na tinatarget ni former 2-division world champion Luis Nery si Pinoy pride Marlon Tapales para sa laban sa December 30, 2026.

Matatandaan na kaka-panalo lang ni Marlon Tapales nitong nakaraang Sabado, September 26, sa Thailand via impresibong 2nd round knockout kontra Thai fighter na si Nirun Baonok. Dahil sa panalong iyon, nasungkit ni Tapales ang WBF International Featherweight Title at muling nagpakita ng lakas sa bagong timbang. Samantala, si Luis Nery naman ay naghahanap ng daan pabalik sa tuktok matapos ang masakit na pagkatalo kay former 3-division world champion John Riel Casimero via 4th round TKO nitong June 6 lang. 

Tila gusto ni Nery na gamitin si Tapales bilang hagdan para muling makapasok sa world ranking at makabawi sa kanyang career. Kung matutuloy ang Nery vs Tapales sa December 30, magiging isa ito sa pinaka-aabangang bakbakan ng mga dating world champion — parehong may pinatunayan, parehong gutom sa panalo, at parehong tinalo na ng Pinoy superstar na si Casimero ang isa sa kanila. 

Sa ngayon, wala pang opisyal na kumpirmasyon mula sa kampo nina Nery at Tapales, ngunit ayon sa source mula kay OLE X Accoint ( Anthony Arieta ), nasa TArget ng Kampo Ni Nery Si Tapales para sa year-end showdown. Abangan ang opisyal na anunsyo sa mga susunod na araw. 

Ano sa tingin mo mga tol? Sino lamang sa Nery vs Tapales?

Source: OLE ( Anthony Arieta )
I-SHARE ANG BALITANG ITO: Facebook X WhatsApp Copy Link
UPCOMING FIGHTS
OCT 31 - RIYADH
Canelo Alvarez vs Christian Mbilli
WBC Super Middleweight
OCT 24 - TEXAS
Navarrete vs Foster - Unification
IBF/WBC/WBO Title
DEC 11 - CARDIFF
Fury vs Joshua + Pacquiao Undercard
Heavyweight Mega Fight