Pitbull Cruz Nanalasa! 2 Beses Pinabagsak si Nestor Bravo via KO sa Round 6!
Matinding bakbakan ang naganap sa Main Event sa California, USA!
Wagi si Isaac "Pitbull" Cruz laban kay Nestor Bravo via 6th Round Knockout at napanatili ang kanyang WBC Interim Super Lightweight Title.
Maagang pinabagsak ni Pitbull si Bravo sa Round 1 pa lang. Pero lumaban pa si Bravo hanggang Round 6. Sa Round 2 at Round 4, binawasan pa ng puntos si Bravo ng referee dahil sa pagkapit at paghagis kay Pitbull Cruz.
Sa Round 6, tuluyan nang tinapos ni Pitbull ang laban. Malakas na suntok ang tumama kay Bravo at hindi na ito nakabangon pa.
Dahil sa panalo, umangat na ang record ni Pitbull Cruz sa 29 wins, 3 losses, 2 draws na may 19 knockouts. Pinatunayan ni Pitbull na isa siya sa pinaka-delikadong boksingero sa 140 lbs division.
Maraming fans ang natuwa sa kanyang agresibong estilo na parang asong Pitbull na hindi tumitigil sa pag-atake.
Abangan ang susunod na laban ni Pitbull Cruz dito lang sa Jawe Boxing World


Comments
Post a Comment