Junmilardo Ogayre Panalo via Split Decision vs Mongolia sa Asian Games 2026 Boxing

  By: Jawe — Edited by: Joana Marie

BREAKING: Junmilardo Ogayre Panalo via Split Decision sa Asian Games 2026 Boxing!

Wagi ang pambato ng Pilipinas na si Junmilardo Ogayre sa katatapos lang na laban sa Preliminaries Bout 25 ng Men's Boxing sa 20th Asian Games Aichi-Nagoya Japan 2026.

Tinalo ni Ogayre via split decision ang pambato ng Mongolia na si Lundaa Gantumur sa isang dikdikang bakbakan na ginanap ngayong araw sa Japan. Ipinakita ng Filipino boxer ang tibay, bilis, at tapang na tatak Pinoy boxing para masungkit ang panalo.

Sa unang round pa lang, agresibo na si Ogayre at pinaulanan ng kombinasyon si Gantumur. Bagama't lumaban nang matindi ang Mongolian boxer sa second at third round, mas naging epektibo ang mga malinis na suntok ng Pinoy na nagbigay sa kanya ng kalamangan sa scorecards ng mga hurado.

Dahil sa panalong ito, umausad si Junmilardo Ogayre sa susunod na round ng Men's Boxing division at mas lumapit sa inaasam na medalya para sa Pilipinas sa Asian Games 2026.

Ang panalo ni Ogayre ay malaking boost sa Philippine Boxing Team na patuloy na lumalaban para mag-uwi ng karangalan sa bansa. Patuloy na pinapakita ng mga Pinoy boxer na kabilang sila sa mga dapat abangan sa Asya pagdating sa boksing.

Abangan ang susunod na laban ni Junmilardo Ogayre sa Aichi-Nagoya Asian Games. Manatiling nakatutok sa Jawe Boxing World para sa kumpletong resulta, schedule, at highlights ng Team Philippines sa Asian Games 2026 Boxing.

Result: Junmilardo Ogayre (Philippines) def. Lundaa Gantumur (Mongolia) via Split Decision - Men's Boxing Preliminaries Bout 25 - 20th Asian Games Aichi-Nagoya 2026.

LABAN PILIPINAS!



Photo Credit: 20th Asian games Aichi-Nagoya 2026

Comments