Eumir Marcial Panalo via KO! Tinapos si Omar Huerta sa Round 3 | 8-0 na!

Panalo na naman ang pambato ng Pilipinas! Tinalo ni Olympic bronze medalist Eumir Marcial si Omar Ulises Huerta via 3rd Round Knockout sa laban na ginanap sa California, USA. Mabilis na tinapos ni Marcial ang laban. Sa Round 3 pa lang, bumagsak na si Huerta at hindi na nakabangon. Pinakita ni Eumir ang lakas ng kamao na dahilan kung bakit kinakatakutan siya sa middleweight division. Dahil sa panalong ito, umangat na ang professional record ni Eumir Marcial sa 8-0 na may 5 knockouts. Malinis pa rin ang record at patuloy na umaakyat sa world ranking. Si Marcial ay isa sa mga pinaka-aasahang boksingero ng Pilipinas na susunod sa yapak ni Manny Pacquiao. Maraming Pinoy fans ang natuwa sa kanyang impresibong panalo sa Amerika. Ayon kay Marcial, tuloy-tuloy pa rin ang kanyang training at handa siya sa mas malalaking laban. Posible na sa susunod na taon ay lumaban na siya para sa world title. Abangan ang iba pang update sa boxing dito lang sa Jawe Boxing World 500k.

Comments