Buong Barangay Nanood! Eumir Marcial Pinanood sa Malaking Screen — Tulog si Huerta sa Right Hook!
By: Jawe — Edited by: Joana Marie
Nakakatuwang panoorin ang suporta ng mga kababayan ni Eumir Marcial! Pinanood ng mga kamag-anak at kababayan ni Eumir Marcial ang kanyang laban sa malaking screen sa court kaninang September 20 sa California, USA. Nasaksihan nila ang napaka-impresibong panalo ni Eumir Marcial laban kay Omar Ulises Huerta ng US. Sa Round 3, tulog ang kalaban matapos tamaan ng pamatay na counter right hook ni Eumir Marcial. Sigawan at palakpakan ang buong court nang bumagsak si Huerta. Hindi na nakabangon pa ang Amerikano at idineklarang panalo si Eumir via knockout. Dahil sa ganitong klaseng panalo, maraming fans ang nagsasabi na parang si Manny Pacquiao na si Eumir Marcial — laging aabangan ang bawat laban niya. Malakas, mabilis, at may puso para sa bayan. Umakyat na ang record ni Eumir sa 8-0 with 5 knockouts at patuloy na pinapakita na isa siya sa pag-asa ng Pilipinas sa boxing. Mabuhay ka Eumir Marcial! Buong Pilipinas proud sayo! For more boxing news, follow Jawe Page on Facebook.
Comments
Post a Comment