Alex Eala Pasok sa Semis ng Asian Games Matapos Durugin si Garland 7-5, 6-0 - Sigurado na ang Bronze!
By: Jawe Remolina — Sept. 30, 2026 • 07:05 PM
Pinataob ni Alex Eala ng Pilipinas si Joanna Garland ng Chinese Taipei sa score na 7-5, 6-0 ngayong Miyerkules sa quarterfinals ng Women's Tennis Singles sa 20th Asian Games sa Higashiyama Park Tennis Center, Japan.
Nahirapan si Eala sa first set. Lumamang pa si Garland 5-4 at muntik na kunin ang set. Pero nagising si Eala at sunod-sunod na kinuha ang next 3 games para tapusin ang first set 7-5.
Pagdating ng second set, wala nang nagawa si Garland. Dinomina ni Eala ang buong set 6-0 - bagel!
Dahil pasok na sa Top 4, sigurado na si Eala sa bronze medal. At may chance pa siya maging kauna-unahang Pinay na manalo ng gold sa tennis sa Asian Games.
Sunod na makakalaban ni Eala sa semis si Wang Xiyu ng China. Nanalo si Wang kontra Moyuka Uchijima ng Japan 6-4, 3-6, 6-1 kanina.
Ang laban ay tumagal ng 1 hour at 49 minutes.
Source: Philstar.com, GMA News Online, Official Asian Games Results Sep 30, 2026
